Tinipon at pinulong ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza bilang chair ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Development Council at Provincial Peace and Order Council sa Capitol Rooftop, Amas Kidapawan City.
Ilan lamang sa mga tinalakay sa naturang pulong ay ang mga paghahandang ginagawa ng PDRRMC para sa Rainy Season, Sectoral Committee Reports ng PDC, Proposed Reprogramming ng iba’t-ibang Development Projects sa ilalim ng 20% Development Fund CY 2018 at iba pa.
Sa kabilang banda ay nagbigay naman ng updates hinggil sa crime situation at peace and order situation sa lalawigan ang AFP at PNP.
Ang sitwasyon sa Peace and Order ay iprinisenta nina CPPO Police Provincial Director Maximo Layugan (PNP), Col Alfredo Rosario Jr. (602nd Brigade), BGen Roberto Ancan (1002nd Brigade) at Col. Larry Mojica (901st Brigade).
Dumalo din naman sa pulong sina Vice Governor Shirlyn Macasarte-Villanueva, DILG Provincial Director Ali B. Abdullah at Major General Cirilito E Sobejana Division Commander ng 6th Infantry Division.