Manila, Philippines – Naghain ng joint resolution ang Kamara para atasan ang National Housing Authority o NHA na i-award sa ibang qualified beneficiaries and mga hindi na natitirahang housing unit para sa AFP, PNP at BJMP.
Sa House joint resolution number 11 na inihain ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez ay pinahihintulutan ang NHA na igawad na lamang sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang mga unpccupied housing unit sa mga qualified beneficiaries tulad ng mga public school teachers, empleyado ng mga LGU ng public housing sites, barangay employees, at informal settlers.
Ang nasabing resolusyon ay magbibigay ng ligal na basehan sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte na ibigay na lamang sa KADAMAY ang pabahay na kanilang inokupahan.
Ipauubaya naman sa NHA ang pagpili ng mga qualified members na maaaring pagbigyan ng mga unoccupied housing units.
Nabatid na sa 2015 COA report ay lumilitaw na nasa 8.09% palang ang occupancy rate ng mga nasabing housing program.
Pinamamadali naman ni Benitez ang NHA sa pag-aayos ng listahan ng mga qualified beneficiaries upang maisunod na ayusin ang mga kailangan tulad ng kuryente, ilaw at mga amenities na kailangan gaya ng paaralan, parke, ospital, trabaho at simbahan.
DZXL558