MANILA – Pag-uusapan na ngayong araw sa plenaryo sa kamara ang joint resolution kaugnay sa dagdag na 2,000 SSS pensionAyon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, malaki ang pag-asa na maipapasa na ngayong linggo ang dagdag na 2,000 sss pension matapos na tiniyak sa kanila ni house committee on gov’t enterprises and privatization chairman jesus sacdalan na ipapasa ito sa 3rd and final reading, bago ang Christmas break ng mababang kapulungan.Kasabay nito, tiniyak ni SSS Chairman Dean Amado Valdez na handa silang sumunod sakaling ipatupad na ang SSS pension hike bill.Sa ilalim ng joint resolution, dalawang hati ang gagawing pagbibigay ng dalawang libong dagdag pension, una ang isang libo sa oras na mapagtibay ito ng kongreso at ang ikalawang isang libo ay ibibigay naman sa December 2019.
Joint Resolutiong Kaugnay Sa Sss Pension Hike, Isasalang Ngayong Araw Sa Plenaryo Sa Kamara – Pamunuan Ng Sss, Tiniyak
Facebook Comments