Manila, Philippines – Sa July 22, Sabado ay magtatapos na ang 60 araw na martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Para hindi magkaproblema ay hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte na bago sumapit ang nasabing petsa ay abisuhan na ang dalawang kapulungan ng Kongreso sakaling nais nito na palawigin ng martial law.
Ayon kay Drilon, pagsapit ng July 24 ay magsasagawa ng joint session ang kongreso para pakinggan ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte.
Diin ni Drilon, mainam na huwag ng i-adjourn ang nabanggit na joint session para diretso ng talakayin ang posible hirit na extension ng martial law sa Mindanao.
Ipinaliwanag din ni drilon na ang kongreso lang ang maaring mag-extend ng martial law kung hihilingin ito ng Pangulo.