Manila, Philippines – Magsasagawa ng joint session ang Kamara at Senado sa susunod na linggo para talakayin ang panukalang martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. – nakatakda ang joint session sa Miyerkules, December 12.
Aniya, hindi pa rin nila natatanggap ang request ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang batas militar pero inaasahang matatanggap ng Kongreso ito ngayong linggo o sa susunod na linggo.
Umaasa rin ang mga mambabatas na magkaroon ng briefing kasama ang defense at military officials bago ang sesyon.
Matatandaang pormal nang inendorso at inirekomenda ng militar at pulisya sa Pangulo ang pagpapalawig pa ng batas militar ng isa pang taon.
Facebook Comments