Matapos maiulat ang pagsisiksikan at kawalan ng pag-oobserba sa mahigpit na tagubilin ng pamahalaan tungkol sa social distancing ng mga namili nitong weekend sa Balintawak market, ilang sistema ang ipatutupad ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa virtual presscon ni Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Cabinet secretary Karlo Alexei Nograles sinabi nitong mahigpit nang ipatutupad ang ‘one-entry, one-exit’ policy sa mga palengke na malaking tulong para ma-control ang paglabas-masok ng mga mamimili.
Bukod dito, magpapatrolya at magpapakalat na rin ng mga pulis at sundalo sa mga pamilihan.
Ipinasara na rin ang mga retail store at tanging sa wholesale store na lamang maaaring bumili ng mga essential needs ang ating mga kababayan.
Layon, aniya, nitong mahigpit na maipatupad ang social distancing nang sa ganun ay hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.