Joint Task Force COVID-19 Shield, umapela sa mga LGUs na magpasa ng ordinansa na nag-uutos sa mga lalabas ng bahay na magsuot ng face mask

Nanawagan si Joint Task Force COVID-19 Shield Lieutenant General Guillermo Eleazar sa mga Local Government Units (LGUs) na agad magpasa ng ordinansa na nagmamandato sa mga lalabas ng tahanan para bumili ng mga essential needs na magsuot ng face mask.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni General Eleazar na mas maganda kung may pangil ang kautusan para seryosohin ng taumbayan.

Paliwanag ni Eleazar, hindi naman kailangang bumili ng face mask lalo na ngayong may kakapusan sa suplay, maaari naman, aniyang, DIY na face mask o miski panyo para lamang hindi na maikalat pa ang virus.


Una nang iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng LGUs lalo na sa Luzon na magpasa ng ordinansa na nag-uutos na magsuot ng face mask ang kani-kanilang mga constituents kapag lalabas ng bahay base na rin sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Facebook Comments