Joint Task Force – NCR, magpapakalat ng support force para sa seguridad ng SONA ni PRRD

62

Tutulong din ang Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbibigay ng seguridad sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay JTF-NCR Spokesperson, 1st Lieutenant Arianne Bichara – magpapadala sila ng sapat na tauhan para suportahan ang police force at mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).


Hindi na binanggit ni Bichara ang bilang ng tropa na itatalaga sa SONA.

Dagdag pa ni Bichara – armado ang mga ipapakalat nilang mga sundalo pero paiiralin ang maximum tolerance at magsisilbing support force lamang sa pulisya.

Facebook Comments

From Advertisers