Joint Task Force Sulu, nakiisa sa pagtatag ng “Alternative Learning System” sa Patikul

Courtesy of Philippine News Agency

Nakiisa ang Joint Task Force Sulu sa Department of Education (DepEd) at ang Patikul Municipal Task Force in Ending the Local Armed Conflict sa pagtatatag ng Alternative Learning System (ALS) para sa mga Internally Displaced Person (IDP) sa Barangay Panglayahan, Patikul, Sulu.

Ayon kay JTF Sulu Commander Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, ang ALS ay para sa mga kabataan at out-of-school youth na bumalik na sa kanilang komunidad matapos na lumikas dahil sa terorismo ng Abu Sayyaf Group.

Samantala, sinabi naman ni Brig. Gen. Benjamin Batara Jr., Commander ng 1103rd Infantry Brigade, isang libong IDP ang bumalik sa barangay noong Hulyo 1.


Nagpasalamat naman si DepEd SLS Division Coordinator Nur-Aisha Gonzales sa JTF Sulu sa pagsuporta sa proyekto na pakikinabangan ng 120 kabataan sa Barangay Panglayahan.

Kasunod nito, hinihimok ni MGen. Patrimonio ang mga kabataan na sulitin ang pagkakataon na makapag-aral para sa ikauunlad ng kanilang pamilya at komunidad.

Facebook Comments