Magsasagawa ng joint training exrcise ang Philippine Air Force (PAF) at Japan Air Self-Defense Force.
Ayon kay PAF Spokesperon Col. Ma. Consuelo Castillo, ang training exercise ay tatawaging Doshin-Bayanihan 2024 na isasagawa mula ngayong araw, October 2 hanggang October 6 sa Brigadier General Benito Ebuen Air Base, Lapu-Lapu City, Cebu.
Layon ng pagsasanay na mapalakas ang interoperability at mapalalim ang kooperasyon sa dalawang pwersa partikular sa larangan ng Humanitarian Assistance and Disaster Response.
Lalahukan ito ng nasa 150 mga tauhan ng mga hukbo na makikibahagi sa iba’t ibang pagsasanay tulad ng Simulated Airdrop Flight Training, Load/Offload Training, Aeromedical Evacuation Exercises, at Subject Matter Expert Exchanges.
Magsasagawa rin ng deployment ang parehong pwersa ng tig-isang C-130 Cargo Aircraft para sa pagsasanay.
Ang Doshin-Bayanihan ay sumasalamin sa tumitibay na relasyon ng Pilipinas at Japan, na hindi lamang nagpapalakas ng defense capabilities kundi nagpapalawig din sa kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Response efforts para sa rehiyon.