Joint vape enforcement, isinagawa sa mga vape store sa lungsod ng Muntinlupa

 

Isinagawa ang isang joint enforcement activity ng Department of Trade and Industry Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) at Business Permits & Licensing Office (BPLO) sa mga vape store at iba pang retail outlets sa lungsod ng Muntinlupa.

Layunin umano ng joint enforcement ang pagpapalakas sa kamalayan ng mga residente ng lungsod tungkol sa Vape Law, mga panuntunan nito, at kaugnay na ordinansa.

Nais rin umanong tiyakin ng Pamahalaang Lungsod na napangangalagaan ang kapakanan ng kabataan laban sa panganib na dulot ng vaping.


Inaabisuhan naman ng DTI ang publiko na i-report ang mga illegal retailers, distributors, at manufacturers sa pagtitinda ng hindi sertipikadong vape items sa kanilang tanggapan.

Maaaring itawag ito sa Consumer Care Hotline at DTI (1-384) o mag-email sa consumercare@dti.gov.

Facebook Comments