“Jollibee Spinwheelmania” link, isa umanong virus at scam

Image via Yugatech

Kumalat nitong linggo sa social media ang umano’y link ng bagong promo ng isang kilalang fastfood chain.

Maraming netizens ang nakatanggap ng “Jollibee Spinwheel Mania” link sa messenger kung saan kailangan itong pindutin para ma-avail ang free voucher ng Jolly Super Meals.

Kapag pinindot, mababasa ang linyang may natitira pang 123 free meals at para matanggap dapat i-share ang “spinwheelmania” link hanggang sa mapuno ang nakikitang bar sa ilalim.


Hinala ng ilang social media users, isa itong virus o phishing scam at kapag nabuksan, maaring makuha ang lahat ng inyong personal na information.

Sa ngayon hindi pa malinaw kung paano at saan ito nagsimula. Wala pa din nilalabas na pahayag ang pamunuan ng Jollibee kaugnay sa viral link promo.

Basahin ang reaksyon ng ilang netizens ukol sa isyu:

 

 

 

Facebook Comments