Tinawag na gawaing hindi makatao ng Commission on Human Rights (CHR) ang kambal na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon na ikinasawi ng 15 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.
Sinabi ni CHR Spokesman Jacqueline de Guia na hindi gawain ng isang matinong tao ang pumatay ng mga inosenteng sibilyan.
Ayon kay de Guia, walang dapat makaranas ng anumang bayolenteng mga gawain na pawang mga inosenteng tao ang nadadamay.
Kasunod nito, umapela ang CHR na dapat tiyakin ng mga awtoridad ang paghahanap ng hustisya sa mga biktima.
Ang naganap na pambobomba sa Jolo, Sulu kahapon ay kasabay ng paggunita sa International Humanitarian Law Month.
Facebook Comments