Jolo, Sulu – binulabog ng pagsabog kaninang umaga

Sulu – Binulabog ng dalawang malakas na pagsabog kaninang umaga ang Jolo, Sulu.

Sa inisyal na ulat – nangyari ang pagsabog mag-aalas 9:00 kaninang umaga habang may idinadaos na misa sa Jolo Cathedral.

Sa impormasyong ipinadala ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana – pito ang patay sa pagsabog, (limang sundalo at dalawang sibilyan).


Tatlumpu’t lima (35) naman ang sugatan na kinabibilangan ng 15 sundalo at 20 sibilyan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.

Kung maaalala, bumotong “no” ang probinsya ng sulu para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Facebook Comments