Jolo twin bombing, ikinagalit at ikinadismaya ni PRRD

Ikinagalit at ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan nasawi ang 20 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Mula sa kaniyang personal na pag-iinspeksyon sa ground zero, binisita rin ng Pangulo ang mga sugatang sundalo at mga sibilyan.

Personal rin siyang nakiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawi sa insidente.


Ipinag-utos rin ni Duterte sa mga opisiyal ng gobyerno na tutukan ang pagpapagamot ng mga nasugatan sa pagsabog.

Maliban rito, tiniyak ng Pangulo na mabibigyan ng ayuda ang mga biktima at maibibigay ang hustisya sa kanila.

Facebook Comments