Joma Sison at 7 iba pa, kasama sa bagong ‘terrorist list’ ng DOJ

Tinanggap na ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang bagong “terrorist list” na isinumite ng Department of Justice (DOJ).

Sa nasabing listahan, mayroon lamang itong walong personalidad at inalis na ang nasa 600 pangalan.

Base sa amended petition na inihain ng DOJ noong January 3, kasama sa “terrorist list” sina Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison, Jorge Madlos, Jaime Padilla, Francisco Fernandez, Cleofe Lagapon, Antonio Cabanatan, Leonido Nabong at Myrna Sulate na pawang leftist leaders.


Posibleng ipatawag si Sison at Cabanatan dahil napatunayan ng justice department na may koneksyon ang mga ito sa CPP at New People’s Army (NPA).

Si Sison ay nasa The Netherlands habang si Cabanatan ang sinasabing secretary ng NPA Mindanao Commission.

Facebook Comments