Joma Sison, hinamon ni Pangulong Duterte na umuwi ng Pilipinas

Manila, Philippines – Muling hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na umuwi ng Pilipinas at sila ay mag-pambuno.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat nagtatago sa ibang bansa si Sison dahil kung ito ay isang tunay na revolutionary leader ay dito ito sa bansa makikipaglaban.

Sinabi pa ng Pangulo na habang nagpapasarap si Sison sa ibang bansa ay namamatay naman sa gutom ang kanyang mga tauhan dito sa bansa.


Malaki din aniya ang allowance ng NPA pero si Sison lang ang nakikinabang.

Kaya naman pinayuhan ng Pangulo ang mga Lumad na huwag maniniwala kay Sison at sumuko namang sa pamahalaan upang mabigyan ang mga ito ng bagong buhay sa pamamagitan ng mga programa ng Pamahalaan.

Maaari din naman aniyang gawing sundalo ang mga susukong NPA at sasailalim sa pagsasanay ng 6 na buwan at otomatikong magkakaroon ito ng trabaho, lupa at lisensyadong Baril.

Facebook Comments