Joma Sison, hinimok ni PRRD na umuwi na sa Pilipinas

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na umuwi sa Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng kahandaan muli ng pamahalaan na buksan ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng komunista.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City kagabi, nakiusap ang Pangulo sa communist rebel group na sumang-ayon sa ceasefire at ihinto ang extortion activities bago ituloy ang anumang peace talks.


Pero iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya payag na magkaroon ng coalition government.

Aniya, posibleng maglunsad ng kudeta ang tropa ng pamahalaan kapag pinaboran niya ito.

Nanawagan din ang Pangulo sa New People’s Army (NPA) na ihinto ang mga pangingikil nito kung sila ay sinsero sa peace negotiations.

Imbes na patayin ang government troops, hinimok ng Pangulo ang mga rebelde na ang mga kurakot sa gobyerno ang dapat nilang barilin.

Una nang sinabi ng Pangulo na bubuo siya ng bagong peace panel na makikipagnegosasyon sa communist rebels.

Nabatid na kinansela ng Pangulo ang peace talks sa mga komunista noong 2017 matapos ang mga ikinasang pag-atake ng NPA laban sa pwersa ng gobyerno at sibilyan.

Si Sison naman ay self-exile sa Netherlands mula pa noong 1987.

Facebook Comments