Joma Sison, itinangging may colon cancer siya, hamon kay Pangulong Duterte- ilabas health condition niya

Manila, Philippines – Matapos na itangging may colon cancer siya, hinamon ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na ilahad ang tunay na estado ng kanyang kalusugan sa publiko.

Ayon kay Sison, ilang linggong hindi nagpakita sa publiko si Duterte kaya dapat itong magpaliwanag sa taongbayan.

Sa State of the Nation Address ni Duterte kahapon ay ibinunyag ng pangulo na may colon cancer daw si Sison at umaayaw na ang gobyerno ng Netherlands sa pagpapagamot sa kanya.


Pero, tinawag itong kasinungalingan ni Sison.

Facebook Comments