Joma Sison, kasama sa bagong “terrorist list” ng DOJ

Manila, Philippines – Ibinunyag ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang bagong “terrorist list” ng Department of Justice (DOJ).

Sa listahan, mayroon lamang itong walong personalidad at inalis ang nasa 600 pangalan.

Base sa amended petisyon na inihain ng DOJ noong Enero a-tres, kinilala ang mga nasa “terrorist list” na sina Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison, Jorge Madlos, Jaime Padilla, Francisco Fernandez, Cleofe Lagapon, Antonio Cabanatan, Leonido Nabong at Myrna Sulate na pawang mga leftist leaders.


Pero binanggit ni Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar sa kanyang resolution na may petsang February 1, maaaring ipatawag si Sison at Cabanatan dahil napatunayan ng justice department na may koneksyon ang mga ito sa CPP at New People’s Army (NPA).

Si Sison ay in-exile sa The Netherlands habang si Cabanatan ay umano’y secretary ng NPA Mindanao Commission.

Facebook Comments