Joma Sison, Rep. Elago at Anakbayan, sinampahan muli ng kaso sa DOJ

Sinampahan muli ng kaso ng Department of Justice (DOJ) sa Criminal Investigation and Detection Group Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (CIDG-AFCCU) at Task Force Makabayan, ang chairperson emeritus ng CPP-NPA-NDF na si Jose Mari Sison, Kabataan Party-list Representative Sarah Elago at ibang mga opisyales ng grupong Anakbayan.

Kabilang sa mga kasong isinampa ay ang paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Person at Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Acts.

Inihain ito ng complainant na si Luisa Dela Cruz Espina, ang nanay ng isang Anakbayan member at ang iba pang mga witness.


Unang na-dismiss ang kasong naunang isinampa ng CIDG noong August 2019 laban sa mga miyembro ng anakbayan.

Paliwanag naman ni CIDG Director Police Major General Albert Ignatius Ferro, ang muli nilang pagsasampa ng kaso laban sa communist terrorist groups, ay patunay na kailangang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pang aabuso sa pamamagitan ng pekeng ideolohiya at propaganda ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments