Joma Sison, sinabihan ni Pangulong Duterte na magpakamatay nalang

Manila, Philippines – “Magpakamatay ka nalang”, ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay maawa si Sison sa Norwegian government dahil sa gastos nito sa pagpapagamot sa kanya kaya mas magandang magpakamatay nalang ito.
Paliwanag ng Pangulo, malaking issue sa Norway ngayon ang pagsagot ng kanilang gobyerno sa pagpapagamot ni Sison dahil malapit nang maghalalan doon.
Tinawag ding sinungaling ni Pangulong Duterte si Sison dahil hindi ito umaamin na may sakit.
Samantala sinabi naman ni Government Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello III na inaabangan pa nila ang pinal na direktiba ni Pangulong Duterte kaugnay sa pagputol sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Paliwanag din ni Bello, kailangang magbigay si Pangulong Duterte ng Notice of Termination sa NDF Panel upang maging pormal ang pagputol sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo.

Facebook Comments