Joma Sison, tinanggap ang alok ni PRRD na bigyan ng safe passage si Agcaoili

Malugod na tinanggap ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng safe passage si National Democratic Front (NDF) Chief Negotiator Fidel Agcaoili.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na hahayaan niyang makauwi sa bansa si Agcaoili para sa posibleng pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Sison – itinuturing niyang positibo at seryoso ang Pangulo sa muling pagbubukas ng peace negotiations.


Sinabi rin ni Sison na hindi na siya magbibigay ng tugon sa iba’t-ibang pahayag ng Pangulo at mas mainam na iiwan ito sa mga negosyador.

Aniya, sina Agcaoili at ang counterpart nito na si Labor Secretary Silvestre Bello III ay competent representatives ng NDFP at ng gobyerno ng Pilipinas.

Matatandaang kinansela ang peace talks ng gobyerno at ng mga komunista noong 2017 matapos ang mga sunud-sunod na pag-atake ng mga rebelde sa tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments