Joma wala nang kontrol sa mga rebelde, ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na ang mga pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison laban sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapatunay lamang na hindi na nito kontrolado ang mga tao sa baba.
Matatandaan kasi na hinamon ni Pangulong Duterte si Sison na umuwi sa Pilipinas kung ito ay isang tunay na revolutionary fighter kung saan sinagot ito ni Sison kung saan sinabi nito na uuwi siya sa bansa kung kalian niya gusto at hindi dahil s autos ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala nang control ang pamunuan ng CPP-NPA-NDF sa kanilang mga tauhan sa baba na noon ay may ipinaglalaban na idolohiya pero ngayon ay mga simpleng criminal at extortionist na lamang.
Sinabi pa nito na maganda ang pamumuhay ni Sison sa ibang bansa habang namamatay ang mga tauhan nito sa kabundukan dito sa Pilipinas.

Facebook Comments