Sumakabilang buhay na si Jomar Ang, anak ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief executive officer Ramon Ang, nitong Sabado.
Kinumpirma ito mismo ng mag-asawang Ramon at Tessie Ang sa isang text message na ipinadala sa mga mamamahayag.
Hindi idinetalye ng dalawa ang sanhi ng pagkamatay ng 26-anyos na binata.
“It has been a painful experience, but we have been comforted by the expressions of love and sympathy sent to us in many ways. We appreciate all the kind thoughts and prayers. Thank you for being with us during this difficult time,” bahagi ng pahayag ng pamilya Ang.
Ayon sa naulilang magulang, isang pribadong funeral service ang ginanap para sa namayapang si Jomar kahapon, Abril 12.
“Jomar was a dutiful, loving, and kind-hearted son, brother, and a loyal and dedicated friend to many. He was a source of great joy to us and we are truly blessed to have had his love and presence in our lives. We know in our hearts that he is in a much better place now,” saad ng mga kaanak.
Enero nitong kasalukuyang taon nang mapabalitang isinugod sa St. Luke’s Medical Center ang nakababatang Ang at malubha raw ang kondisyon.
Bago pumanaw, tumatayong chief financial officer (CFO) si Jomar sa kompanyang RSA Motors, na official distributor ng BMW cars at motorcycles sa Pilipinas.