Jordan Clarkson, muling nanguna sa Utah kontra Rockets

Muling pinangunahan ng Filipino-American na si Jordan Clarkson ang panalo ng Utah Jazz laban sa Houston Rockets sa score na 112-89.

Nakagawa ng 22 puntos si Clarkson na nangunguna ngayon bilang best Sixth Man player sa National Basketball Association (NBA).

Tumulong din sa Jazz sina Joe Ingles na nagtala ng 21 points at si Rudy Gobert na may 19 points at 18 rebounds.


Hawak ngayon ng Utah ang 44 na panalo at hindi pa rin natitinag bilang top team sa liga.

Habang ang Rockets naman ay lumasap ng ika-pitong talo mula sa huling walong laro.

Facebook Comments