Joross Gamboa, ayaw makialam sa isyung John Lloyd at Ellen

23

Hindi na gustong makialam ni Joross Gamboa sa anumang issue na sangkot ang kanyang kaibigang si John Lloyd Cruzat ang girlfriend nitong si Ellen Adarna na ngayon ay bali-balita na lihim na nanganak.
Ayon kay Joross, “Kasi bilang lalaki, hindi naman kami mga pakialamero, e.”
Ani pa niya, wala rin daw ito sa tamang posisyon na magsabi kung pabor siya kung mauwi man sa kasalan ang dalawang magkasintahan.
“Sa akin, approve ako kahit sino dahil siya ang papakasalan, hindi ako. So wala akong pakialam.”
“Kung saka-sakali, wala rin namang masama lalo na’t parehong single at nasa tamang edad sina John Llyod at Ellen.”
Dugtong pa ni Joross, “Tsaka may edad na, kailangan na rin niya mag-asawa sa edad niyang ‘to, e. Malay mo nag-jive sila.”

Facebook Comments