JOs at mga contractual sa ilang ahensya ng gobyerno sa ARMM at LGU-Cotabato, saklaw na ng KaltaSSS-Collect Program!

Higit sa 2, 000 na job order at contractual workers mula sa 6 na ahensya ng gobyerno at 8 barangay ang covered na ng Social Security System (SSS) partilukar ng SSS-Cotabato city sa pamamagitan ng KaltaSSS-Collect Program.
4 na government agencies ang lumagda ng kasunduan kasama ang SSS upang saklawin ang 1, 6000 na empleyado sa ilalim ng pension fund, ang naturang mga ahensya ay ang LGU-Cotabato, Department of Social Welfare & Development-ARMM, Department of Public Works and Highways-ARMM at Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).
Sa ilalim ng KaltaSSS- Collect Program ay pinapayagan ang mg ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) na irehistro ang kanilang job order at contractual workers bilang self-employed members at i-remit ang kanilang mga kontribusyon at loan payments sa pamamagitan ng automated salary deduction scheme.

Facebook Comments