Jose Abad Santos Davao Occidental, niyanig ng 3.3 magnitude na lindol

Naramdaman ang lakas na 3.3 magnitude na lindol sa bayan ng Jose Abad Santos, lalawigan ng Davao Occidental ngayong umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa layong 192 kilometers east ng karagatan ng nasabing bayan ang epicentro ng lindol pasado alas-4:37 ngayong umaga.

Tectonic and pinagmulan ng pagyanig at may lalim itong 122 kilometers.


Hindi naglabas ng tsunami warning alert ang ahensya at wala ring inaasahan mga aftershock na dulot ng lindol.

Wala rin itong naitalang nasaktan, nasugatan at nasiring mga ari-arian ng dahil sa pagyanig.

Facebook Comments