Jose Abad Santos Davao Occidental, niyanig ng 5.3 magnitude na lindol

Photo Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Davao Occidental kaninang 2:15 ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro nito sa 84 km Timog Silangang bahagi ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim itong 101 kilometers at tectonic ang pinagmula nito.


Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III sa General Santos City; Kiamba, Sarangani.
Intensity I sa Davao City.

Instrumental Intensities:
Intensity II sa General Santos City; Kidapawan City at Intensity I sa Davao City.

Wala namang naitalang mga pinsala sa mga istraktura at asahan ang mga aftershocks.

Facebook Comments