Inanunsyo ng pamunuan ng Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) na pansamantala munang isasara ang pagamutan simula January 1.
Sa abiso, bunsod ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga pasyente at healthcare workers nito.
Dahil dito, kailangan muna nilang isara ang pagamutan para mapauwi o mailipat sa quarantine facilities ang mga naka-admit sa tulong ng Manila Health Department.
Hinihikayat muna na ang publiko na pumunta sa iba pang pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila.
Samantala, tumigil din munang mag-admit ng mga pasyente sa kanilang emergency room ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center bunsod din ng pagtaas ng COVID-19 sa mga pasyente at kawani nito.
Facebook Comments