Jose Mari Chan, George Yang nag-duet para sa Grandparents’ Day special ng McDonald’s

258

“You’re never too old to live your dreams.”

Ito ang mensahe ng McDonald’s sa kanilang bagong commercial tampok ang music icon na si Jose Mari Chan at founder ng McDonald’s Philippines na si George T. Yang.


Sa video, nagpalitan ng buhay ang duo sa isang araw–ipinakita si Chan bilang negosyante, at singer naman si Yang, habang inaawit ng dalawa ang “Can We Just Stop and Talk Awhile” na pinasikat ni Jose Mari Chan noong 1970s.

Inilabas ito para sa Grandparents’ Day sa Setyembre 8.

Sa tagline na “Live Your Dreams”, hangad ng kompanya na ipaalam sa mga lolo at lola na hindi pa huli ang lahat para sumubok ng mga bagong bagay.

Facebook Comments

From Advertisers