Jose Midas Marquez, nanumpa na bilang associate justice ng Supreme Court

Nanumpa na bilang associate justice ng Korte Suprema si Court Administrator Jose Midas Marquez.

Kasunod ito ng pagkakatalaga sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni Associate Justice Edgardo delos Santos na nagretiro nitong Hunyo.

Si Marquez na ang ika-192 associate justice ng Korte Suprema.


Bago itinalaga sa posisyon, mahigit isang dekadang nagsilbi bilang court administrator si Marquez.

Naging tagapagsalita rin ito ng korte suprema, Chief ng Public Information Office ng korte suprema at Chief of Staff ng Office of the Chief Justice.

Facebook Comments