Binisita ni Health Secretary Francisco Duque III kanina ang Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa Maynila.
Ito ay para personal na makita ang kahandaan ng ospital sa posibleng pagdagsa ng mga mabibiktima ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon
Isa-isang ipinakita ni Duque ang mga kagamitan na karaniwang ginagamit ng mga doktor at medical personnel sa pagtugon sa mga naputukan, lalo na kapag malala na o seryoso ang sitwasyon.
Kabilang dito ang dalawang uri ng drill o barena, lagare at iba’t ibang uri ng kutsilyo, cutter, martilyo at iba pa.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Duque ang publiko na huwag nang maging pasaway at huwag kakalimutan ang posibleng epekto ng pagpapaputok, lalo na sa buhay at kinabukasan.
Kaugnay nito, handang-handa na rin ang Orthopedic Section ng nasabing oagamutan na siyang in-charge sa mga biktima ng paputok.