Joseph Estrada, Laya Na!

Cauayan City, Isabela – Pinalaya na ngayong hapon mula sa kustodiya ng PNP Cauayan si Joseph Estrada na nasangkot sa insidente ng pamamaril noong Enero 1, 2018.

Matapos magsumite ng affidavit of desistance ngayong araw ng biktimang si Joey Fabros, hindi na itutuloy ang pagsasampa ng kasong frustrated homicide sa barangay kagawad ng Pinoma na si Estrada.

Matatandaang dahil sa ingay ng motorsiklo, nilapitan at sinaway ng barangay kagawad ang biktima na noo’y nasa ilalim ng impluwensya ng alak.


Ang nasabing pagsita ay nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawa na kalaunan ay nagresulta sa pagkabaril sa biktima.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng PNP Cauayan sa RMN Cauayan News Team, ang pag-uurong ng kaso ay bunsod na rin ng kahilingan ng maybahay ni Estrada sa pamilya ng biktimang si Fabros na huwag ng ituloy ang demanda.

Napag-alaman din na inaanak ni Estrada ang nabaril na si Fabros.

Facebook Comments