Joshua Garcia aminadong nasasaktan sa pinagdadaanan ni Julia Barretto

1187
Image via starstyle.ph | Bruce Casanova

Aminadong nasasaktan si Joshua Garcia sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng dating nobyang si Julia Barretto sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa panayam kay Garcia bago lumipad papuntang Estados Unidos para sa ASAP Natin ‘To Bay area episode, naglabas siya ng saloobin sa kinakaharap na isyu ni Barretto.


“Syempre, naging karelasyon ko rin si Julia. Nasasaktan ako for her, sa nangyayari”, saad ng batang aktor.

Pero naniniwala si Garcia na malalagpasan ni Barretto ang problema.

“I think makakabangon naman siya,” saad pa nito.

Tumanggi naman magbigay ng komento ang 21-anyos na aktor sa umano’y namumuong relasyon nina Barretto at Anderson.

“Hindi ko masasagot yan e. Siguro lahat naman ng tao may kanya kanyang opinion about sa nangyaring issue,” ayon sa Kapamilya star.

Kamakailan, nagpaabot ito ng words of encouragement sa pamamagitan ng text message para sa dating ka-loveteam.

Facebook Comments