Dumalo si Journalist Roy Mabasa sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) sa kaso ng pagpatay sa kaniyang kapatid na si Broadcaster Percy Lapid at sa inmate na si Jun Villamor.
Dumalo rin sa pagdinig ang kapatid ni Villamor na si Marisa kasama ang staff ng witness protection program ng DOJ.
Dumating din ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Hindi naman sumipot sa hearing si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na pangunahing respondent sa reklamo.
Sa halip, ang dumating lamang ay ang kaniyang abogado na si Atty. Rocky Balisong.
Hindi naman naghain ng counter-affidavit ang kampo ni Bantag at sa halip ay hiniling nito sa DOJ prosecutors na i-reconsider ang naunang ruling na nagbabasura sa motion for prohibition.
Magkakaroon daw kasi ng conflict sa desisyon sa pagitan ng DOJ at Ombudsman, kung saan naghain si Bantag ng kasong murder laban kay Justice Sec. Crispin Remulla.
Muli namang ang ipagpapatuloy ang pagdinig sa January 31.