Journalist Roy Mabasa, duda sa pagkamatay ng accomplice sa Percy Lapid slay

Dismayado si Journalist Roy Mabasa sa pagkamatay ng sinasabing accomplice sa Percy Lapid slay case.

Sinasabi kasing namatay ang 40-anyos na si Jake Mendoza alyas Orly habang sinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ito ay matapos na magbaril aniya sa sarili si Mendoza makaraang magkulong ito sa bathroom nang matunugan ang presensya ng mga pulis sa kanyang tinitirahan.


Ayon kay Mabasa, maraming katanungan ang hindi pa nasasagot kabilang na ang sinasabing pagkamatay ng isa pang akusado na si Ricardo Zulueta.

Hanggang ngayon aniya kasi ay wala pang maipakitang resulta ang mga otoridad ng DNA testing sa sinasabing labi ni Zulueta.

Facebook Comments