Jovito Palparan, mananatili sa kulungan – Malacañang

Nanindigan ang Malacañang na mananatili sa kulungan si retired Major General Jovito Palparan maliban na lamang kung ipagkaloob din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniya ang absolute pardon.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos imungkahi ni dating Interior Secretary Rafael Alunan III na palayain si Palparan kasunod ng pagbibigay ni Pangulong Duterte ng absolute pardon kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa kamay ni Pangulong Duterte kung palalayain o hindi si Palparan.


Iginiit din ni Roque na mayroong matibay na basehan ang korte para patawan ng parusa si Palparan.

Nabatid na hinatulan ng 40 taong pagkakakulong si Palparan dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) noong 2006.

Facebook Comments