
Naniniwala ang JoyRide Philippines na malaking maitutulong ng JoyRide Super Taxi Airport Edition upang maghatid ng mga pasaherong uuwi at lalabas ng bansa dahil sa affordable and efficient airport transfer service ang naturang taxi
Ayon kay JoyRide senior vice president for corporate affairs Noli Eala hindi umano kagaya ng Transport Network Vehicle Services o TNVS, ang JoyRide Super Taxi Airport Edition ay idinadaan ang mga sumasakay sa metro at on-site taxi service na hindi na kailangan pang mag booking, hindi na rin kailangan ang apps at no long queues—kung saan komportable ang mga pasaherong sasakay dito
Paliwanag pa ni Eala na ang JoyRide Super Taxi Airport Edition na hindi na kailangan pa aniyang mag download ng apps o mag antay ng driver matching dahil ang mga pasahero ay direktang magtutungo sa Terminal 3 service lounge, kung saan ang mga friendly staff ay mag-aassists sa kanilang paglilipatang Paliparan.
Dagdag pa ni Eala ang mga manlalakbay ay maaaring bumisita sa JoyRide Super Taxi lounge na matatagpuan sa NAIA Terminal 3 arrivals area, malapit sa Multi-Level Parking Building, upang maranasan ang kanilang magandang serbisyo.
“Naoobserbahan namin na maraming mga manlalakbay galing sa ibang bansa partikular mga OFW na nahihirapan na maghahanap ng ride-hailing apps matapos ang mahabang paglalakbay,madalas nakararanas sila ng pagkaantala para sa driver matching.Ang JoyRide Super Taxi Airport Edition ay pinadali ang proseso—pinahihintulutan ang mga pasahero na makasakay kaagad at komportable,” pahayag ni JoyRide senior vice president for corporate affairs Noli Eala.
Binigyang diin pa ni Eala na ang mga pasahero ay hindi maiinip habang matindi ang trapiko dahil sa ma entertain sila at mayroon pang charging ports para sa kanilang komportableng paglalakbay.
Sabi pa ni Eala na ito umano ang tugon sa panawagan ng pamahalaan na pagandahin ang Mode of Transportation sa mga Paliparan upang hindi na mahirapan ang mga OFW na magbabakasyon ngayong Holiday Season.









