Plano ng Jollibee Foods Corporation (JFC) na kasuhan ang isang restaurant sa China dahil sa copyright infringement.
Viral sa social media ang fast food na ‘Joyrulbee’ na tila kinopya ang store design at color motif ng original na Filipino fastfood restaurant.
Ayon sa JFC, gumagawa na ng mga hakbang ang kanilang legal team para maprotektahan at i-angat ang trademark rights ng kanilang kumpanya na nakasaad na rin sa ilalim ng batas.
Bago pa man napag-usapan sa social media, ang Joyrulbee store sa Guangxi, China ay napukaw na ang atensyon ng JFC.
Ang logo ng Joyrulbee ay kapaheras din ng sa Jollibee.
Ang JFC ang pinakamalaking food service network sa bansa.
Mula nitong Setyembre 2018, aabot na sa 1,110 Jollibee outlets sa bansa at mayroon din itong branches sa mainland China, Taiwan, Hong Kong, Malaysia, Estados Unidos, Canada, Italy at sa United Kingdom.
Bukod sa Jollibee, pagmamay-ari din ng JFC ang ilang sikat na restaurants sa bansa tulad ng Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal at Burger King.