JRL KWARTA TRADING COMPANY, SINAMPAHAN NG KASONG SYNDICATED ESTAFA SA SAN CARLOS CITY

Iniimbestigahan ang may-ari ng JRL Kwarta Trading Company dahil sa umano’y Syndicated Estafa, matapos mawalan ng kita at kapital ang ilang mga investors mula Hunyo 2025 hanggang kasalukuyan.

Ayon sa ulat, nag-invest ang 17 katao—kabilang ang tatlong pangunahing biktima mula Malabon, Manila, at San Carlos City—sa kumpanya na nag-alok ng 10% buwanang kita base sa kanilang kapital. Ngunit, hindi na umano naibigay ng kumpanya ang buwanang tubo at ang orihinal na puhunan ng mga investors.

Ang insidente ay iniulat sa San Carlos City Police Station noong 3:25 PM, Nobyembre 24, 2025, at sa Pangasinan PPO bandang 10:55 PM ng parehong araw.

Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong paglabag sa PD No. 1689 o Syndicated Estafa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments