JTF COVID-19 Shield, ipapatupad pa rin ang mas mahigpit na mobile checkpoints at police visibility sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ

Mas maraming mobile checkpoints at paiigtingin pa rin ang pagpapatrolya sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar para maiwasan pa rin ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Aniya, mananatili ang Quarantine Control Points sa mga GCQ areas na tututok para huliin ang mga indibidwal na hindi otorisadong bumiyahe o lumabas ng bahay kahit nasa ilalim na ng GCQ.


Sinabi ni Eleazar, inaasahan nilang dadami ang tao sa labas lalo na sa mga GCQ areas kaya dapat mababantayan pa rin ang mga lumalabag sa quarantine protocols.

Kaugnay nito, una nang iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa ang pagbuo ng security guidelines na pagbabatayan ng mga pulis para ipatupad sa mga lugar na nasa GCQ.

Facebook Comments