JTF COVID Shield, nananawagan ng respeto sa publiko sa harap ng mas mahigpit nilang pagpapatupad ng ECQ

Respeto ang panawagan ngayon ng Joint Task Force COVID Shield sa publiko.

Ito ay matapos na bastusin ng isang banyaga sa Dasmarinas Village sa Makati City ang isang Police Officer matapos na masita dahil sa paglabag sa ECQ.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, naiintindihan nilang hindi madali ang ipinapatupad nilang security situation ngayon.


Pero ito aniya ang ginagawa ng gobyerno para matiyak na maging ligtas laban sa COVID-19.

Bukod sa respeto, panawagan din ng JTF COVID Shield sa publiko na sumunod sa ECQ rules para hindi nasisita at maiwasan ang komprontasyon at pambabastos sa mga pulis o sundalo.

Sa panig naman ng JTF COVID Shield sinabi ni Eleazar na palagi silang accountable sa kanilang mga kilos bilang mga public servants.

Facebook Comments