JTF COVID Shield, binalaan ang mga pulis na aabuso sa paggamit ng yantok sa mga quarantine violators

Nagbabala ang Joint Task Force COVID Shield (JTF CV Shield) sa mga pulis na magiging abusado sa paggamit ng yantok.

Ayon kay JTF CV Shield Commander Police Lt. General Cesar Hawthorne Binag, mapaparusahan ang mga pulis na hindi tama sa pagpapatupad ng quarantine protocol.

Aniya pa, iimbestigahan ang mga pulis bilang bahagi ng kanilang police operational procedure at papatawan ng parusa.


Sakaling pumalag o manlaban ang mga sinisita, ang turo sa kanila ay gamitin lang ang yantok sa pagpalo sa kamay.

Batay sa datos ng JTF CV Shield, halos 600,000 na ang mga quarantine violators na nasita, napagmulta at naaresto ng mga pulis.

Mahigit 2,000 sa mga ito ay nasampahan ng “direct assault” dahil sa hindi pagsunod o paglaban sa mga pulis.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas na gagamitin lang ang yantok para sa social distancing bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Facebook Comments