JTF COVID Shield, gagamitin ang social media sa pagmonitor sa mga lumalabag sa quarantine protocols

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan sa mga Police Commanders na gamitin ang social media para mamonitor ang mga lumalabag sa quarantine protocols.

Ayon kay Joint Task Force COVID 19 Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang mga paglabag sa quarantine protocol na maaaring mamonitor ng mga pulis sa social media ay ang mga post na larawan na may nag-iinuman o mass gathering at iba pang selebrasyon.

Maging ang mga post na larawan o video ng mga netizens ay irereklamo ng mga paglabag sa quarantine protocols.


Bukod dito, sinabi ni Eleazar na mayroong mga Facebook pages na nagpo-post ng mga larawan at videos ng mga quarantine protocol violations sa kalsada na nakunan ng Closed Circuit Television (CCTVs) o kaya dashcams na magagamit din ng mga pulis para mahuli ang mga violators.

Hiling ni Eleazar sa publiko na makipagtulungan para mahuli ang mga quarantine violators.

Facebook Comments