JTF COVID Shield, nakapagtatala lamang ng 91 krimen kada araw sa loob ng quarantine period

Nakapagtatala lamang ng 91 krimen sa Pilipinas kada araw ang Joint Task Force COVID Shield sa loob ng 180 araw ng community quarantine na sinimulang ipinatupad noong March 17.

Ang datos mula sa JTF ay limitado lamang sa Eight Focus Crimes ng Philippine National Police (PNP), ito ay ang murder, homicide, rape, physical injury, robbery, theft, motorcycle at vehicle carnapping.

Ayon kay JTF Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang crime volume sa loob ng quarantine period ay 47% na mababa kumpara sa panahon bago ipinatupad ang community quarantine o mula September 19, 2019 hanggang March 16, 2020.


Sa loob ng pre-community quarantine period, ang average crime volume ay nasa 171 kada araw.

Naitala sa Visayas ang mababang insidente ng Eight Focus Crimes mula sa 44 criminal incidents kada araw ay bumaba ito ng 22.

Kasunod ang Luzon na mula sa 91 krimen kada araw ay bumaba ito sa 49 kada araw.

Sa Mindanao, mula sa 37 krimen kada araw ay nasa 21 na lamang ito nang ipatupad ang community quarantine.

22-porsyento ang ibinaba ng insidente ng murder, 26% sa homicide, 38% sa physical injury at rape na nasa 25%.

Malaki ang ibinaba ang nairerekord na motorcycle carnapping na nasa 66%, vehicle carnapping na nasa 62%, 61% sa robbery at 60% sa theft.

Facebook Comments