JTF COVID Shield nilinaw na kailangan pa rin ang travel authority para maka-biyahe

Nilinaw ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kailangan pa rin ng travel authority ng sinumang hindi Authorized Person Outside of Residence (APOR) para makabiyahe palabas ng Metro Manila o para makatawid ng ibang lalawigan.

Ito’y kahit na karamihan sa mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na nang Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ang paglilinaw ay ginawa ni Eleazar sa harap ng pagkalat ng fake news sa social media na nagsasabing ni-“lift” na ang lahat ng travel restrictions sa buong bansa.


Ni-recycle lang aniya ito para palabasin ngayon na ang JTF-COVID Shield ang nag-alis ng travel restriction.

Giit ni Eleazar na walang deklarasyon ang JTF COVID Shield sa pag-aalis ng requirements sa travel authority.

Layunin lang aniya ng mga nagpapakalat ng fake news ay lituhin ang publiko at i-discredit ang pamahalaan.

Facebook Comments