JTF COVID Shield, tutulong sa pagpapatupad ng quarantine protocols para sa mga nagpaparehistro para maging botante sa eleksyon

Tiniyak ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na mahigpit nilang ipatutupad ang quarantine protocols maging sa mga nagpaparehistro para maging botante sa eleksyon.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, iniutos niya na sa police commanders na makipag-ugnayan sa local offices ng Commission on Election (COMELEC) para pagpapatupad ng quarantine protocols.

Sinabi ni Eleazar, kinakailangan na may presensya ng pulis sa mga registration areas para matiyak na nasusunod ang minimum health safety standards protocols.


Pero, hindi naman hinihikayat ni Eleazar ang mga menor de edad at senior citizens na tumungo o sumama sa COMELEC offices dahil sa mataas pa rin ang banta ng Coronavirus.

Aniya, hanggang September 2021 pa ang registration kaya maaaring ipagpaliban muna ng mga may edad ang pagpaparehistro upang hindi na muna lumabas at makihalubilo sa maraming tao.

Giit ni Eleazar, bagama’t karapatan at obligasyon ang pagpaparehistro, mahalaga ngayong may pandemya na maprotektahan ang sarili sa COVID-19.

Facebook Comments