Umapela ang Joint Task Force COVID Shield sa publiko na sumunod sa mga patakarang ipinapatupad ng gobyerno ngayong Holiday season.
Sa interview ng RMN Manila, inamin ni JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na malaking hamon sa pulisya na masigurong nasusunod ang mga health protocols habang nagdiriwang ng kapaskuhan.
Kaya panawagan niya sa publiko, pairalin ang ‘shared responsibility’ para mapigilang tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Hiningi rin niya ang tulong ng mga barangay official para bantayan ang mga posibleng paglabag sa protocol.
Matatandaang ipinagbawal ng pamahalaan ang pagsasagawa ng Christmas party, caroling at iba pang mass gathering ngayong Christmas season bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.